Friday, July 13, 2007

Another Friday the 13TH…


July 13th, 2007 by gangwarily

Morning: 7am

Before
Anything else, first Happy Birthday to Mossah Maica Carlos!

Integration nga pala ngayon…

Di pako natutulog: dinadaan sa Kain…

Wala nakong magawa para hindi antukin, walang maistorbo dahil may mga exams ang mga kapatid ko…

Kumakanta si Dave sa CR at naririnig ko hanggang dito sa Kusina, brighter ng paramore…

May quiz nga pala ako sa College Algebra ngayon…I can only wish to pass…*sigh*

Gusto kong manood ng Harry Potter at Transformers…wala akong pera at kasama pati ang pambli ko ng Harry Potter book 7 nagastos ko na…anu ba naman yan…

Buti nalang at nagbasa ako ng blog ni Ehn at Jham at napasaya naman nila ako…

At sa mga panahong ganito si Namie Amuro nalang ang nakakapagpasaya sakin lalo na tuwing nakikita ko ang litrato niya sa aking telepono…Napakaganda niya talaga! Hindi nako natutuwa kay Jaejung bakit kaya, siguro dahil nagsawa nako sa itsura niyang parang babae sa
sobrang kagwapuhan…

Nakakainis andami ko ng tinamang spelling dito, nakikialam kase ang spell checker ko, hindi nga ako nageenglish bakit ba?

Minsan loka loka din ako, lalo na kapag pressured wala akong ibang iniisip kundi yung mangyayari sa araw ng mga deadlines ko, nakakabaliw tapos ngayon biglang hindi pala matutuloy ang Play namin ng Chinese folklore pati yung long quiz…pero hindi parin nawawala ang pressure andami paring iniisip, nakakastress na ha…

Grabe ansaya ko pa namansana sa Mandarin Class dahil gusto ko talagang matuto ng ibang lenggwahe pero bakit ganun nakaka dalawang quiz na kame at dalawang zero na din ako…walang naniniwala pero seryoso, kaya kailangan ko ng maglugmok at magaral sa Mandarin
pati ang mga intonasyon na kinalilito ko dapat ko na ngang simulang kabisahin…hay naku matrabaho ito…

Kabuki…naguguluhan parin ako…walang practice, walang blocking, on the spot performance nanaman, kaya ba natin? Well kailangan kayanin…goodluck nalang sa atin…

May na sketch ako para sa poster, as if naman pwede yun, hindi ko ito forte…anhirap magrecruit ha…alam ko nakakatakot at nakakakaba pero kung di natin lalakasan ang loob walang mangyayari lalo na kung may ganito ka gandang opportunidad…sabi ko nga pangangatawanan ko ito…maganda din yan ilagay sa resume…at higit sa lahat para sa sarili ko, para di nako maging duwag…at madevelop ko na ang aking skill diyan sa bagay na yan.

July 13 ’07
Friday

Evening:
6:00am

CMS THE BEST!

We won! Weeeh…congratulation 1st year cms! And to all the people behind the hard work especially Lyndon hehe you made it guys!

As for me:
kailangan ko ng matulog…

Nakakafrustrate
kase ang araw na ito…aba bumagsak ba naman ako sa western history dahil dyan sa zero base na yan…pero di parin sigurado dahil sabi ni Ms. Gonzales eh 60 na daw ang passing ngayon dahil nga sa zero base pero bakit 30/40 ang passing kanina eh badtrip naman 29/40 lang ako eh…and 72% lang yun…anlabo talaga…isa pa yang Algebra feeling ko alam na alam ko na siya tapos nung nag take nako nang quiz aba at nalimutan ko naman ang lahat…badtrip talaga…papasa paba ako? Buti nalang at may ice craze with Fpm group na dagdagan mo pa ng Mossah edi natanggal nga naman ang frustration ko…at naisigaw ko ata dun sa pagche-cheer sa Cms kanina…ehehhe…kahit hindi daw malakas sigaw ko, feeling ko nga wala na kong lalamunan…sige na itutulog ko na ito…

No comments:

Post a Comment