Monday, March 24, 2008

Pagkatapos ng matagal na pananahimik…

March 24th, 2008 by gangwarily

Ano nga ba ito? Antagal ko ng walang entry sa blog, walang
maikwentong may sense, oo mahirap kase ang walang ginagawa sa bahay bukod sa matulog, kumain at maghugas ng plato…tapos kakain nanaman kaya maghuhugas nanaman ako ng plato…ayun…nababaliw nako sa kakapanood ng XMAN sa youtube at nang kung anu anu pang variety show ng ating kapitbahay na bansa…(gusto ko sanang ilagay ang karatig na bansa kayalang di ako sigurado kong tamang word iyon…)kakainis nagiging rusty na ang English at Filipino ko kaya ayan, taglish nanaman…at saang bahagi ba ng internet
ko mahahanap ang shops para sa crocheting materials dito sa pilipinas…isa pa
gusto ko naring lumipat ng blog pero saan naman? Hayyy…ang paglipat ng blog
parang paglilipat rin ng bahay, kailangan isipin ang maraming bagay…at dahil sa umpisa nanaman, marami ang dapat iupload na pictures kung saan ang
pinakamalaking problema ay nakasalalay ang hirap kase sa blog na ito, kapag
sisilipin ang mga litrato ayun, nakakainis sa tagal at bagal kaya hindi na
lamang titingnan sabay rito ang pagkainis na ayaw niyang bumukas…hayyy…tama na nga ang mga rantings na ito…Mahal kong Isabel Happy Birthday nalang sayo!